Manila, Philippines – Mas pinaigting pa ng Land Transportation Office LTO ang kampanya nito laban sa mga kolorum na sasakyan sa buong bansa.
Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza tila nag level up raw ang operation ng mga kolorum operators sa nakalipas na dalawang taon bagay na dapat nilang pangunahan.
Anya, sa pamamagitan ng kanilang intelligence gathering tutukan ang bawat ruta ng mga kolorum kaya inatasan na nito ang lahat ng kanyang regional directors na tiyakin ang regular na pagsasagawa ng operasyon sa kanilang nasasakupan.
Inatasan na rin nito ang mga RD na magsampa ng criminal charges laban sa mga nahuhuling lumalabag gayundin ang kanilang polisiya na tanging mga korte lamang ang mag-uutos kung maaari nang i-release ang mga impounded na sasakyan kahit pa ito’y nakapagbayad na ng multa.
Nitong nakalipas na tatlong buwan napansin raw ni Mendoza ang pagbaba ng mga nahuhuli bagay na nag udyok sa kanya para i-revamp ang operasyon ng mga RD sa bagong istilo ng anti-colorum drive.
Nagrekalamo na rin kasi aniya sa kanila ang ilang transport groups kung saan tatlumpung porsyento sa mga kita nila ang nawawala dahil sa mga kolorum na sasakyan.
Hinikayat ng kalihim ang publiko na huwag tangkilikin ang mga kolorum dahil na rin sa isyu ng road worthiness nito.
Binigyang diin ng LTO na walang insurance ang mga kolorum at hindi masasagot ang mga pasahero sa kanilang medical expenses sa oras na maaksidente ang mga ito.