KAUNA-UNAHANG ELECTRIC FERRY SA PILIPINAS, INILUNSAD NG DOST AT UP DILIMAN

Manila, Philippines – Pormal nang inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) katuwang ang University of the Philippines (UP) Diliman at ang Maritime Industry Authority (MARINA), ang kauna-unahang electric passenger ferry ng bansa na pinangalanang M/B Dalaray.

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., layunin ng proyektong ito na mabawasan ang paggamit ng fossil fuelat mapababa ang carbon emissions mula sa mga sasakyang-pandagat. Dagdag pa niya, ito ay bahagi ng pagtugon ng ahensya sa mga hamon ng climate change at urban congestion.

Suportado rin ang proyekto ni MARINA Administrator Sonia Malaluan, na nagsabing malaking tulong ito upang maibsan ang trapiko sa Metro Manila at magbigay ng mas mabilis at komportableng transportasyon para sa mga pasahero.

Inaasahang magsisimula ang operasyon ng M/B Dalaray sa Nobyembre, na may kakayahang magsakay ng hanggang 40 pasahero at tatlong tripulante. Babagtasin nito ang kahabaan ng Ilog Pasig, nasasaklaw sa mga lungsod ng Pasig, Makati, Mandaluyong, Taguig, at Maynila.

Share this