SEN. CAYETANO, HANDANG PANGUNAHAN ANG MUNGKAHING MASS RESIGNATION NG MGA MAMBABATAS SA KONGRESO 

Manila, Philippines – Habang naiipit ang kongreso sa isyu ng korapsyon sa flood control project, handang pangunahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang mass resignation ng mga inihalal ng taumbayan. 

Sa kaniyang paliwanag, nabanggit niya ang mga panawagan ng taumbayan sa malawakang protesta noong September 21.

Panagawan aniya ng ilang dumalo ang pagreresign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pananatili sa posisyon ni Vice President Sara Duterte. 

Salungat din sa panawagan ng iba na pagreresign ni Sara Duterte, at pananatili naman ni Marcos.

Sa naging pagtatanto ni Cayetano,  magresign ang mga opisyal sa mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa mga mambabatas sa kamara at kongreso. 

At iminungkahi na huwag tumakbo sa halalan. 

Layon nito na maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan, matapos ang mali paggamit sa pondo ng taumbayan. 

Giit ni Cayetano na posibleng mas maging madali na mapanagot ang mga opisyal na nasa likod korapsyon. 

Paglilinaw ni Cayetano sa mass resignation, handa siyang pangunahan ng resignation ng mga opisyal, kung garantisado na aalis din sa posisyon ang kapwa niya mga mambabatas. 

Giit niya na imbis magrebolusyon at mag kudeta ang taumbayan dahil sa pagkadismaya nito sa kasinungalingan na nangyayari sa gobyerno. 

Maaari aniyang maging alternatibong paraan ang transformation at revival, imbis na humantong sa marahas na paraan.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this