Manila, Philippines – Bilang pagpapakita ng suporta kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo E. Guadiz III, nakipagpulong ang mga transport groups at cooperatives na binubuo ng United National Public Transport Organization of the Philippines (UNPTOP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office.
Ipahayag ng grupo ang kanilang pakikiisa at suporta kay Chairperson Teofilo Guadiz, ito ay sa gitna ng mga umano’y usapin at maling impormasyon na kumakalat hinggil sa kanyang liderato.
Ayon sa UNPTOP, tiwala sila sa pamumuno ni Guadiz, dahil bukas umano ito pakikipag dayalogo, pakikinig sa sector at sa paglilingkod sa karapatan ng mga driver, operator, at commuter.
Nangako naman ang LTFRB na patuloy itong magbibigay serbisyo sa publiko katuwang ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Acting Secretary Atty. Giovanni Lopez
Matatandaan na noong October 1, 2025 isinagawa ng anim na malalaking grupo ng pampublikong transportasyon sa bansa ang Official withdrawal nito sa samahang Magnificent 7.
Kabilang sa mga kumalas sa grupo ay sina:
Orlando F. Marquez (National President – LTOP INC.)
Deo Sotto (National President – FEJODAP INC.)
Zaldy Ping-Ay (National President – Stop & Go INC.)
Liberty De Luna (National President – ACTO INC.)
Alpha Martinez (UV-Express)
Cherie Gal Maglasang (Sectretary General ng Magnificent 7)
Nagpasiya ang grupo na kumalas dahil umano sa kakulangan ng pagkakaisa at mga desisyon na hindi nakabubuti sa buong transport sector.
Matapos na umalis sa grupo binuo ng mga ito ang United National Public Transport Organization of the Philippines Inc. (UNPTOP Inc.), na layong pagsamahin muli ang mga transport group na may iisang layunin na maitaguyod ng kapakanan ng mga tsuper, operator, at commuters sa bansa.—Grachella Corazon, Eurotv News