Kaninang alas dos ng hapon, tuluyan nang nakapasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical storm “QUEDAN,” ayon sa PAGASA.
Huling nakita ng pagasa ang bagyong Quedan na may international name na ”Nakri,” 1,385 kilometer east northeast ng extreme Northern Luzon.
Dala ang lakas ng hangin hanggang 75 kilometer per hour at pagbugso na aabot hanggang 90 kilometer per hour.
Babagtasin ng tropical Storm Quedan ang hilagang hilagang-kanluran sa bilis na 30 kilometer per hour.
Batay sa forecast ng pagasa, lalabas na rin mamayang alas dos ng madaling araw, october 10 ang bagyong quedan.
At mananatili na labas ng PAR hanggang sa araw ng Sabado.
Habang mayroong low pressure area na namataan, 290 kilometer, sa kanlurang bahagi ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Ayon sa pagasa, maliit ang tyansa na lumakas at maging isang ganap na tropical depression ang LPA makalipas ang 24 oras.
Sa kabila ito, inaabisuhan pa rin ang publiko at ang lahat ng disaster risk reductionn and management offices na ipagpagpatuloy ang pagmomonitor sa lagay at galaw ng bagyo.-Krizza Lopez, Eurotv News