Manila, Philippines – Matapos ang naging rebelasyon ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian sa Committee on Finance sa pagdinig ng budget ng Department of Agriculture (DA) nang ilabas nito ang listahan ng mga kontratista na may extremely overpriced sa mga farm-to-market road (FMR).
Kung saan, tatlo sa mga ito ay kasama sa 15 mga contractor na pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noon na sangkot sa maanomalyang flood control project.
Iminumungkahi ngayon ni Gatchalian na silipin din ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) at Blue Ribbon Committee ang nasabing mga FMR project ng DA.
Tingin daw kase ng senador, ang mga natukoy na kontratistang sangkot sa flood control na kasalukuyan na ngayong iniimbestigahan ay hindi lang nalilimitahan ang kanilang mga proyekto sa flood control kundi mayroon din sa iba pang mga government project.
Binigyang diin din ni Gatchalian na sa halos lahat ng rehiyon sa bansa may overpriced ng FMR project na pinakamalaki daw ay sa Bicol Region.
Ipinagtataka raw ng senador ay kung bakit sa Bicol Region may pinakamaraming FMR project gayung ang Region II at Mindanao naman daw ang maikokonsiderang Rice granary ng bansa.
Sa ngayon, nanindigan si Gatchalian na kung hindi daw magagawan ng paraan ng DA na mailipat sa kanilang ahensya ang implementasyon ng pagpapapagawa ng FMR.
Hindi raw mawawala ang pagdadalawang isip niya na huwag na lang ibigay ang P16.5B na pondo ng DA sa FMR para sa 2026.
Samantala, nakatakda daw magsumite si Gatchalian ng formal letter kay Blue Ribbon Acting Chair Erwin Tulfo at sa ICI na naglalaman ng kanilang mga nadiskubreng overpriced at overshoot sa mga FME upang maisama ng mga ito sakanilang imbestigasyon.