Manila, Philippines – Nagkaroon ng balasahan sa mga pinuno ng mga tanggapang nangangasiwa sa transportasyon sa Pilipinas.
Batay sa anunsyo ng palasyon, inilipat si Land Transportation assistanct Secretary Vigor Mendoza sa Land Transportation Franchising and regulatory board bilang chairperson.
Papalitan ni Mendoza si Atty. Teofilo Guadiz III.
Si Markus Lacanilao naman ang siyang papalit kay Mendoza bilang LTO chair.
Inilipat si Guadiz bilang chair ng Office of Transport Cooperatives.
Wala pang opisyal na pahayag ang Malacanang kaugnay sa balasahan.
Ngunit, kamakailan ay pinag-re-resign ng transport group na magnificent 7 si Guadiz dahil sa umano’y palpak na pagpapatupad ng Public Transport Modernization Program (PTMP).
Habang pinagtanggol naman ng grupong manibela si Guadiz, matapos magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng opisyal at ng grupong Manibela.—Krizza Lopez, Eurotv News