Manila, Philippines – Tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang kasalukuyang umiiral na temporary import ban ng mga poultry product sa anim na bansa.
Kinabibilangan ito ng Azerbaijan, Kazakhstan, Saudi Arabia, Slovenia, Sweden, Kelantan at Sabah sa Malaysia.
Kasunod yan ng naiulat na wala nang naitatalang mga bagong kaso ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) sa mga nabanggit na bansa.
Naresolba na rin daw ang outbreak nito sa mga nasabing lugar, kaya naman napagdesisyunan na buksan muli ang border ng bansa sa mga poultry shipments.
Tiniyak din daw ng Bureau of Animal Industry (BAI) na mababa na ang panganib sa naturang sakit bago ibaba ang kautusan.
Samantala, sakop ng tinanggal na import ban ang mga live domestic birds at wild birds.
Bago naman makapasok ang naturang mga produkto, dadaan muna ang mga ito sa sanitary and phytosanitary regulations ng DA.