DOTR, PINAGPAPALIWANAG SI SANTIAGO, KAUGNAY SA NAPABALITANG OVERPRICED BODY CAMERA — PALACE

Manila, Philippines – Inisyuhan na ng Memorandum ng Department of Transportation (DOTr) si Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago kaugnay umano’y flood control projects. 

Ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro, nakarating na kay Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez ang isyu sa body cameras. 

Pinahahanda na kay GM Santiago ang mga dokumento katulad ng Commission on Audit (COA) report, maging ang pag-uutos na imbestigasyon. 

Nagbigay na si GM Santiago ng paliwanag sa palasyo. 

Batay sa paliwanag niya, nanindigan siyang dumaan sa regular procurement process ang body cameras na kinuwestyon si Senator Raffy Tulfo. 

Iginiit ni Santiago na kagaya ng ibang procurement ng PPA, hindi nagbabayad ang ahensya ng advance payment. 

Noong October 09, kinuwestsyon ni Tulfo sa budget hearing ng Department of Transportation ang pagbili ng PPA ng 191 body cameras noong 2020 na nagkakahalaga ng 168 million. 

Batay sa kompyutasyon ni Tulfo, bawat isang camera ay nagkakahalaga ng 879,000.

Ayon kay Santiago, ginagamit ang mga body worn cameras ng mga port police na nasa ilalim ng National Ports Surveillance Center.

Dagdag pa ni Tulfo, pinuntahan ng senador ang Boston Homes na binilhan ng PPA ng body camera.

Natagpuan na isa lamang apartment ang Boston Homes na matagal nang na-flagged down ng COA dahil sa pagbebenta ng sirang camera. 

Sa hearing, sinabi na ni Santiago na dumaan sa proseso ang procurement ng body-worn camera

At hindi lamang mismong camera ang binayaran ng PPA. 

Binigyan diin sa pahayag ng PPA na kamakailan lamang ay nakumpleto ng Boston homes ang kaparehong proyekto sa Philippine Coast Guard (PCG) na nagkakahalaga ng 217 million pesos.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this