Manila, Philippines – Lusot na sa huli at ikatlong pagbasa ang P6.7 trillion pesos na panukalang pondo para sa 2026 sa House of Representatives.
Bumoto ang 287 na kongresista para ilusot ang revise budget bill sa kamara.
Kung saan ang malaking pondo na para sa mga flood control project ay inilaan sa mga sektor na bigyang prayoridad sa susunod na taon, katulad ng edukasyon.
Habang labing dalawang mambabatas lamang ang tumangging makalusot sa kamara ang pondo.
Partikular na tumanggi sa 6.7 trilyong piso pondo ay sina;
- ML party-list Rep. Leila de Lima
- Akbayan party-list Rep. Perci Cendana
- Akbayan party-list Rep. Chel Diokno
- Akbayan party-list Rep. Dadah Ismula
- ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio
- Kabataan party-list Rep. Renee Co
- Gabriela Women’s Party party-list Rep. Sarah Elago
- Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao
- Albay Rep. Krisel Lagman
- Caloocan Rep. Edgar Erice
- Batangas Rep. Leandro Leviste
- Sagip party-list Rep. Paolo Henry Marcoleta
Sa privilege speech ni House Speaker Bojie Dy, iginiit niya na hindi man perpekto ang pondo para sa susunod na taon, nakakatitiyak aniya sila na walang nakatago o itinagong pondo.
Aniya bawat pondo ay nakatuon para ibalik sa taumbayan ang kanilang buwis sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad at serbisyo.
Batay sa ipinasang panukalang pondo ng kamara, hindi pa rin tinanggal ang 243 billion pesos na unprogrammed appropriation fund.
Para kina De lima, Cendaña, Diokno, Erice, mananatili pa rin na problematic provision ang unprogrammed appropriation fund.
Giit nila bigo pa rin ang kamara na tumugon sa panawagan ng taumbayan na labanan ang korapsyon sa loob ng gobyerno.
Samantala, bagamat sang-ayon ang palasyo sa tungkulin ng mga oposisyon, iginiit ni Palace Press officer Usec. Claire Castro na kinakailangan pa rin ang unprogrammed funds.
Binigyang diin niya pangangailangan ng karagdagang pondo sa oras ng sakuna.
Sa kabila ng mga isyu pondo at korapsyon, tiniyak ng palasyo na mas maghihigpit ang pangulo sa paggamit at paglalabas ng mga pondo, nang hindi nauuwi sa paglulustay.—Krizza Lopez, Eurotv News