ANOMALYA SA FARM-TO-MARKET ROAD PROJECTS, NAIPARATING NA KAY PANGULONG MARCOS JR.; MASINSINANG IMBESTIGASYON IPINAG-UTOS

Manila, Philippines – Naiparating na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ulat kaugnay ng umano’y ghost farm-to-market road projects sa ilang bahagi ng Mindanao, partikular sa Davao Occidental.

Kinumpirma ito ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na nagsabing nakipagpulong na rin ang mga pinuno ng dalawang pangunahing ahensya ng gobyerno upang pag-usapan ang isyu.

Kabilang sa mga nakipag-ugnayan ay sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Department of Agriculture (DA) Secretary Francis Tiu Laurel. 

Ayon kay Castro, magsasagawa ang dalawang ahensya ng masusing imbestigasyon upang matukoy kung sino ang nasa likod ng umano’y anomalya.

Iginiit ni Pangulong Marcos Jr. na kailangang magsagawa ng malalim na pagsisiyasat at makakalap ng sapat na ebidensiya upang maging matibay ang mga kasong maaaring isampa laban sa mga responsable.

Ang tinutukoy na ghost projects ay mga farm-to-market roads na umano’y naitalang tapos o pinondohan, ngunit wala namang aktwal na natapos na kalsada sa mga lugar na dapat sana’y nakinabang rito.

Share this