Manila, Philippines – Inilabas ng Independent commission for infrastructure ang panibagong listahan ng mga indibidwal na pinababantayan ang travel plans na posibleng may kinalaman sa flood control project corruption.
Batay sa kahilingan nito sa Department of Justice, nais ng ICI na mapasama ang pangalan ng mga ito sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).
Kasama sa mga pinababantayan ng ICI si former Caloocan Representative Mitch Cajayon-Uy, Arturo Atayde – ama ni Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde.
Gayundin ang mga sumusunod:
- Alvin Tan
- Bong Marasigan
- Elmer de Leon
- Ed Fuentebella
- Johnny Santos
- John Mary Vianney Parago
- Alvin Mariano
- Ryan Uy
- Darryl Recio
- Nestor Venturina
- Benjie Tocol
- District Engineer Aristotle Ramos
- District Engineer Michael Rosaria
- Engineer Angelita Garucha
Katulad nang mga naunang request ng ICI sa DOJ, inuutusan nito ang Bureau of Immigration na ipagbigay alam sa mga law enforcement agency kaugnay sa kinaroroonan ng mga indibidwal.
Nilinaw nila na hindi nito pinipigilan ang mga personalidad lumabas ng bansa.
Layon ng mga immigration lookout bulletin na maiwasan ang delay sa imbestigasyon, habang ito ay kasalukuyang gumugulong.—Krizza Lopez, Eurotv News