RED ALERT STATUS ITINAAS SA PROBINSYA NG CAMSUR BILANG PAGHAHANDA SA BAGYONG RAMIL

Manila, Philippines – Dahil sa nagbabadyang banta ng Tropical Depression “RAMIL” itinaas sa Red Alert Status ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng Camsur ang kanilang alert system kaninang 8:00am ng umaga.

Sa isang memorandum na nilagdaan ni Gov. LRay Villafuerte, inatasan ang lahat ng mga Local Chief Executives, DRRM Officers, at mga response agencies na i-activate na ang kanilang Emergency Operations Centers at Response Clusters. Kasabay nito ang posibleng pagsasagawa ng pre-emptive at forced evacuations, lalo na sa mga lugar na madalas bahain at baybaying dagat.

Pinapayuhan din ang publiko na maging alerto sa mga anunsyo ukol sa localized class at work suspensions, depende sa lagay ng panahon sa kanilang lugar.

Bilang dagdag na hakbang, suspendido na ang lahat ng delikadong aktibidad sa dagat at mga ilog, at pinaghahanda na rin ang mga LGU sa pre-positioning ng mga emergency supplies.

Patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon, at nanawagan sa publiko na sumunod sa mga abiso upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Share this