ISINASAGAWANG IMBESTIGASYON NG DOH SA 300 NON-OPERATIONAL SUPER HEALTH CENTER, SUPORTADO NG ICI

Manila, Philippines – Suportado ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang sariling imbestigasyon na ginagawa ngayon ng Department of Health (DOH) sa 297 na mga Super Health Center sa buong bansa na nadiskubre nilang non-operational.

Ayon sa DOH matapos ang naganap nitong pakikipag-pulong sa ICI, itutuloy raw nila ang nasimulan ng imbestigasyon.

Kung saan mula sa 297 nadagdagan pa ito ng tatlo.

Pangungunahan pa rin daw ng kagawaran ang pag-iimebstiga, ngunit ngayon ay kasama na ang ICI.

Mas paiigtingin din daw nila ang Citizens Participatory Audit upang maging bukas sa publiko ang pag-rereport ng mga naka-tengga at hindi nagagamit na mga super health center sa kanilang lugar.

Matatandaan na unang binisita ng DOH ang Concepcion Dos Super Health Center sa Marikina City na isa sa 300 super health center na nasa listahan ng ahensya.

Nadatanan ito ng DOH na Manananggal sa paglalarawan ni Health Secretary Ted Herbosa na poste at ilang baka pa lang ang pundasyon na napapalibutan ng mga halaman taliwas sa nasa listahan nilang phase 1 completed na.

Kung saan nakadeklarang pondo dito ay aabot sa P21.5M

Isinunod naman nilang binisita ang Super Health Center sa Antipolo na di gaya ng sa Concepcion naabutan naman itong buo at nakatayo.

Samantala, sinabi ng DOH na 2021 nang unang simulan ang pagpapatayo ng mga super health center na pagtutulungan ipagawa ng DOH at lokal na pamahalaan.

Share this