DIZON, PAYAG PANG BAWASAN ANG PONDO NG DPWH PARA SA 2026

Manila, Philippines – Walang pagtutol kung sakaling bawasan pa ng Senate ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ayon kay Secretray Vince Dizon. 

Sa budget hearing ng DPWH sa senado nitong Lunes, ibinahagi ni Senator Sherwin Gatchalian na posibleng magkaroon pa ng PHP348 billion budget cut ang DPWH. 

Bunsod ito ng mga natagpuang 6,000 na mga proyekto na nagkakahalaga ng 271 million pesos. 

At lahat aniya ito ay nakitaan ng red flag. 

Ang iba rito walang station number, duplicate projects, at may multiple phases o paulit-ulit na lumilitaw mula sa 2025 General Appropriation Act (GAA) hanggang sa 2026 National Expenditure Program (NEP).

Giit dito ni Secretary Dizon, hindi rin siya papayag na mayroong proyekto na mapaglalaanan ng pondo para sa 2026 na hindi mapakikinabangan ng publiko. 

Aniya Dizon, mas mainam na bumaba ng ilang porsyento ang pondo ng DPWH, para matiyak na hindi na makapagnanakaw ang mga opisyal. 

Gayunpaman, sisilipin nina Dizon ang mga nabanggit na proyekto na nakitaan umano ng mga red flag. 

Kung babalikan, PHP 881.31 billion ang budget na hinihingi ng DPWH sa 2026 NEP, ngunit bumaba ang pondo nito sa PHP 625 billion, matapos tanggalin ang mga locally funded flood control project.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this