Manila, Philippines – Muling napagkasunduan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga mall operators sa buong Metro Manila na mula Lunes hanggang Biyernes lang simula November 17, ipatutupad ang 11:00 am hanggang 11:00 pm na adjusted shopping mall hours.
Hindi kasama dito ang Sabado at Linggo kung saan orihinal na oras pa rin ng mga malls ang iiral tuwing weekends at holidays.
Ayon sa MMDA, bilang bahagi ito ng kanilang paghahanda sa holiday rush ngayong papalapit ang kapaskuhan.
Pinayuhan din ng MMDA na kung hindi raw maiiwasan ng mga mall operators ang pagpapatupad ng mall wide sales ng sabay sabay, magsabi lang ng maaga sa ahensya para makapagsagawa agad ng traffic mitigating measures.
Iniiwasan rin daw nila na mag mistulang parking lots ang buong Metro Manila dahil sa sobrang daming sasakyan.
Una na dito, matatandaang inatasan na ng MMDA ang mga malls na magpasa ng petsa ng mall sales at promotional events dalawang linggo bago ipatupad ito para mapaghandaan.
Pinapayagan naman daw ang sale sa mg store at outlets sa loob ng mall basta’t hindi ito inanusyo, walang advertisement at tarpaulins na inilabas bago ang sumapit ng weekends.