70% IMPORTED POWER SOURCE, DAHILAN NG PATULOY NA PAGTAAS NG KURYENTE

Manila, Philippines – Nilinaw ng Murang Kuryente Partylist na ang patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente ay dulot ng labis na pag-asa ng bansa sa imported power sources, na umaabot sa 70% ng kabuuang suplay ng enerhiya sa Pilipinas.

Ayon kay Murang Kuryente Partylist Representative Arthur Yap, dahil sa pag-angkat ng coal, natural gas, at iba pang fuel mula sa ibang bansa, nagiging mas mahal ang presyo ng kuryente sa tuwing nagbabago ang presyo sa pandaigdigang merkado.

Dahil dito, inihain ni Cong. Yap ang panukalang batas na naglalayong tanggalin ang 12% Value Added Tax (VAT) sa singil ng kuryente. Aniya, maliit lamang ang epekto nito sa kabuuang National Budget, ngunit malaking ginhawa ito para sa mga mahihirap na Pilipino na araw-araw na nahihirapan sa mataas na bayarin sa kuryente.

Dagdag pa ni Yap, dapat ding palakasin ng pamahalaan ang paggamit ng renewable energy sources gaya ng wind, hydro, at geothermal power upang mapababa at mapatatag ang presyo ng kuryente sa bansa sa pangmatagalang panahon.

Share this