77K KATAO, LUMIKAS; 1 NAPABALITANG PATAY BUNSOD NG PANANALANTA NG BAGYONG TINO — NDRRMC

Manila, Philippines – Bunsod ng pananalasa ng Typhoon Tino sa Visayas at Mindanao, mahigit sa 77,000 na katao na ang lumikas at isang indibidwal ang napabalitang nasawi dahil sa bagyo. 

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Spokesperson Junie Castillo, activated ang National Inter-Agency Coordinatig Cell ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). 

Nagmula ang mga nag-evacuate sa rehiyon ng Mimaropa, Region 5, 6, 7, 8, at Caraga Region. 

Pinaghahandaan na rin ng OCD at mga lokal na pamahalaan ang namumuong Tropical Depression na posible rin pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility. 

Dulot ng pananalanta ng bagyong Tino, may ilang lokal na pamahalaan na rin ang nagpahayag ng kanilang pagdedeklara ng state of calamity.

Payo ni Castillo sa publiko, lalo na ang mula sa mga coastal area na palaging sumunod at makinig sa abiso ng mga kanilang lokalidad sa panahon ng kalamidad.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this