IMBESTIGASYON NG SENADO KAUGNAY SA FLOOD CONTROL PROJECT ANOMALY, DADALUHAN NG IMPORTANTENG WITNESS — LACSON

Manila, Philippines – Isiniwalat ni Senate President Pro tempore Panfilo ‘Ping’ Lacson na may importanteng witness na dadalo sa susunod na pandinig ng senate Blue Ribbon committee. 

Ibinahagi niya ito matapos niyang kumpirmahin ang pagbabalik niya bilang chairperson ng blue ribbon. 

Ayon kay Lacson, importante ang testimonya ng naturang witness dahil maaari nitong mabuod ang kaso ng flood control projects, o ‘di kaya ay makapagturo sa mga sangkot pa sa katiwalian. 

Iniutos na rin ni Lacson ang pagsasapinal ng affidavit statement ng witnes sa loob ng linggong ito. 

Iginiit ni Lacson na may mga bagong impormasyon ang isisiwalat ng witness. 

Suportado aniya ito ng ledger, digital files, at iba pang dokumento.

Ngunit mahigpit na ipinagbabawal ni Lacson na magbanggit ng pangalan ng walang ebidensya na susuporta sa testamento nito. 

Samantala, plano na ring imbitahan sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon sina dating House Speaker Martin Romualdez, at dating house appropriation Zaldy Co. 

Ipapadaan kay House Speaker Bojie Dy ang imbitasyon para kay Romualdez dahil sa inter parliamentary courtesy. 

Habang ipapadala ang imbitasyon para kay Co sa nakarehistrong address nito.

Sa ngayon isinasapinal pa ang eksaktong petsa ng susunod na pandinig ng Senate Blue Ribbon Committee. 

Sa palagay naman ni Lacson, maaari nang i-wrap-up ang imbestigasyon ng Blue Ribbon kaugnay sa mga ghost at substandard flood control projects. 

Samantala, ngayong araw ng Miyerkules, kinumpirma ni Senate president tito Sotto na magkaroon sila ng pagpupulong ni Romualdez para pormal itong imbitahin sa pagdinig ng komite at pag-usapan ang issue sa flood control projects.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this