MGA PAARALAN, HINDI NAKALIGTAS SA PINSALANG DULOT NG BAGYONG UWAN; BICOL AT CALABARZON, PINAKA-APEKTADO 

Manila, Philippines – Hindi rin nakaligtas sa paghagupit ng Bagyong Uwan ang mga paaralan sa iba’t ibang rehiyon sa bansa na nagkaroon ng pagkasira sakanilang mga silid aralan.

Batay sa situation report ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRRMS), umakyat na sa 903 mga paralan ang naapektuhan ng bagyo na nagkaroon ng pinsala sa kanilang imprastraktura, kabilang ang 3,236 na mga classroom na may minor damage, 1,057 na major damaged habang 597 ang totally damaged.

Nagunguna sa listahan ng DepEd na may pinakamaraming nasirang silid-aralan ay ang Bicol Region, sinundan ng CALABARZON, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR), Eastern Visayas, Central Luzon, MIMAROPA, Ilocos Region, Caraga, Central Visayas, National Capital Region at Northern Mindanao.

Ang iba naman sa mga classrooms na bagamat hindi napinsala ng bagyo, kasalukuyan naman nagsisilbi bilang evacuation center ng mga lumikas na pamilya at indibidwal.

Ayon sa DepEd nangangailangan ang kanilang ahensya ng mahigit sa P45.4M para sa 903 na mga paaralan na kailangan ayusin at dumaan sa clean-up at clearing operation.

P158.6M naman para sa pagsasaayos ng mahigit 49,000 mga silid-aralan na may minor damaged.

Bukod sa mga classrooms na isa mga kinahaharap na suliranin ng DepEd, aabot na rin sa mahigit 17M mag-aaral at hindi bababa sa 743,000 na kawani ng ahensya sa buong bansa ang apekatdo ng bagyong Uwan dulot naman ng kanselasyon ng face-to-face classes.

Samantala, sa ngayon aabot na sa P20M ang naipaabot na pinansyal na tulong ng  DepEd sa iba’t ibang mga paaralan para isasagawa ng mga ito nga clearing operation habang P57M naman sa pagsasaayos ng minor repairs sa kanilang eskwelahan.

Habang tinitiyak naman ng Kagawaran ng kaligtasan nmg mag-aaral, mga guro at iba pang kawani, hinihikayat ang mga ito na lumipat muna sa Alternative Delivery Modes (ADM).

Share this