MAHINANG PAGPAPATUPAD NG BATAS, DAHILAN NG TALAMAK NA PAGPUPUSLIT NG ILLEGAL NA SIGARILYO: AER

Manila, Philippines – Noong 2022, tinatayang 321 na katao ang binabawian ng buhay araw-araw dahil sa tobacco-related diseases, ayon sa Lung Center of the Philippines.

At bagamat may mga batas na layong gawing sistematiko ang pagbebenta, pagbili, at paggamit ng sigarilyo, talamak pa rin ang illegal na pagpupuslit ng mga tobacco sa Pilipinas. 

Sa pag-aaral na inilabas ng Action for Economic Reforms at ng Economics for Health ng Johns Hopkins Bloomberg Schools of Public Health, natuklasan na ang mahinang pagpapatupad ng batas sa Pilipinas ang nakikitang dahilan ng pag laganap ng illegal na pagbebenta ng sigarilyo. 

Nakita sa pag-aaral ng AER, pinakatalamak sa Mindanao, particular sa Zamboanga at General Santos City ang illegal na pagbebenta ng mga sigarilyo mga sari-sari store. 

Kung saan 80% ng mga sari-sari store sa Zamboanga  na nagsagot ng survey ay nagbebenta ngmga pakete ng sigarilyo na mas mababa pa sa tamang buwis na ibinabayad dito. 

Habang 96% ng mga pakete ng sigarilyo na sinuri ng organisasyon ay may peke o walang tax stamp.

Ayon kay Senate Committee on Health and Demography Chair Senator Risa Hontiveros na dumalo rin sa media launch ng pag-aaral. 

Higit na malaki ang banta ng mga illegal na sigarilyo sa mga low-income household at mga kabataan na  walang malusog na pamumuhay. 

Kaya’t mahalaga rin aniya ang mahikayat ang mga komunidad at ang kabataan na magkaroon ng mga healthy lifestyle. 

Binigyan nya rin ang mahalagang gampanin ng lehislatura sa pakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agency sa pagpapatupad ng batas laban sa smuggling. 

Giit ng AER hindi sagot ang pagbaba ng ipinapataw na buwis laban sa mga sigarilyo. 

Lalo lamang anila magiging accesibel ang mga sigarilyo sa mga Pilipino. 

Rekomendasyon ng grupo sa pamahalaan, palawigin ang sistema sa tax stamp, tiyaking may lisensya ang mga sari-sari story sa pagbebenta ng produktong tobacco, at bigyan ng kapangyarihan ang Bureau of Internal Revenue na suspindihin ang mga lalabag nang sa gayon ay mapigilan ang lal pang paglaganap ng illegal na bentahan.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this