MGA RESIDENTE NG NAKATIRA SA COASTAL AREAS SA CARAMORAN CATANDUANES NA NAAPEKTUHAN NG BAGYONG UWAN, BINISITA NI PBBM

Manila, Philippines – Nagkalat na mga parte ng kabahayang nasira, nagtumbahang mga puno, at nagibang pader ng seawall.

Ilan lang ito sa mga nadatnan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang mga kawani ng pamahalaan sa pagbisita ng mga ito sa Baragay Tubli sa bayan ng Caramoran, Catanduanes matapos hagupitin ng bagyong Uwan.

Karamihan kase sa mga residenteng pinaka-naapektuhon ng bagyo ay nakatira malapit sa baybayin ng karagatan na dinaanan ng storm surge sa kasagsagan ng pagtama ng bagyo. 

Batay sa Caramoran, higit sa 2,127 na mga kabahayan ang nagkaroon ng minor damage habang 558 naman ang totally damaged.

Sa barangay Tubli naman na may Seawall, 158 na bahay ang tuluyang nasira habang 370 ang may bahagyang pagkasira.

Ang lahat naman ng motorbanca ng mga mangingisda ay tuluyang winasak ng bagyong Uwan.

Inirekomenda naman ni Pangulong Marcos ang pagbabawal ng kahit anong istraktura na maipatayo, malapit sa karagatan.

TGP PARTYLIST KASAMANG NAG-IKOT SA CARAMORAN CATANDUANES

Samantala, kasama ring nag-ikot ng Pangulo si House Deputy Majority Leader at TGP Partylist Representative Jose Bong Teves Jr. na matatandaang nagsilbi bilang dating Gobernador sa Catanduanes.

Sa personal nitong pag-iinspeksyon, binigyang diin nito ang pangangailangan ng mga mangingisda ng agarang tulong.

Sinama kase ng Bagyong Uwan sa pag-alis nito sa bansa ang kabuhayan ng mga mangingisda matapos maiwang sira sira ang kanilang motorbanca.

Bilang matagal din na nagsilbi sa probinsya si Teves, sinabi nitong hindi biro ang naranasang pag-ulan na tumama sakanilang probinsya lalo’t ang ibinuhos na ułan ni Uwan sa loob lang ng dalawang araw ay katumbas na ng isang buwan at kalahating pag-ulan.

Samantala, kasama rin sa mga ininspekyon ng Pangulo ang Tubli Elementary School sa Caramoran Catanduanes pa rin, kung saan kabilang ito sa mga pinaka-napinsala na kung hindi natanggalan ng mga bubong, tuluyang nawasak.

Sa ngayon tuloy tuloy ang relief operation ng pamahalaan para sa mga nasalanta sa bayan ng Super Typhoon Uwan gayundin ang reconstruction ng mga kabahayan at istrakturang nasıra.

Share this