Quezon City, Philippines – Tiniyak ng Pamahalaang lungsod ng Quezon sa publiko na nananatiling walang banta ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang mga pamilihang nasasakupan.
Sa kabila yan ng naitalang ASF cases sa mga baboy sa ilang litsunan sa Laloma.
Sa inilabas na pahayag ng QC LGU, isolated lamang daw ang naturang mga kaso.
Ipinag-utos na rin daw nila ang culling sa mga baboy upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Nagpataw na din ang Quezon City Business Permits and Licensing Department ng pansamantalang pagsasara sa 14 na litsunan, batay na rin sa naging rekomendasyon ng Bureau of Animal and Industry (BAI) at City Health Department.
Samantala, kasalukuyan ng nagsasagawa ang BAI ng disinfection sa mga apektadong lugar.
May mga nakatalaga na ring checkpoints ang lokal na pamahalaan para kontrollen ang posibleng paglabas pasok ng mga baboy sa apektadong lugar.
Sa ngayon nagkaroon na ng pakikipag-dayalogo ang mga may-ari ng litsunan sa La Loma kay Mayor Joy Belmonte para sa lang asapin tungkol sa ASF.