3-DAY RALLY NG INC PARA SA TRANSPARENCY AT ACCOUNTABILITY, PINAGHAHANDAAN NA

Manila, Philippines – Nagsagawa ng flushing operations ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng Maynila bilang paghahanda sa three-day rally na isasagawa ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand.

Layunin ng INC na maipahayag at manawagan ng transparency at accountability mula sa mga opisyal ng gobyerno kaugnay ng mabagal at kawalan ng direksyon ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control project.

Magde-deploy naman ang Philippine National Pulis (PNP), ng mahigit 16,000 na kapulisan para tiyaking ligtas at maayos ang tatlong araw na anti-corruption rally.

Ayon sa PNP, ipapakalat ang mga kapilisan sa Rizal Park, EDSA People Power Monument at iba pang mga lugar na dadaanan ng mga sasama sa kilos-protesta.

Magpapatupad rin ng road closures at traffic rerouting ang Manila Police District (MPD) sa pakikipagtulungan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), mula 12:00 AM. 

Pinapayuhan ng ahenya ang mga motorista na iwasan ang mga apektadong kalsada at dumaan sa mga itinakdang alternatibong ruta upang maiwasan ang traffic.

Sinuspinde na rin ni Manila Mayor Isko Moreno ang face-to-face classes sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod mula November 17 at 18.

Gaganapin ang kilos-protesta mula Nov. 16, 17, at 18, na dadaluhan ng libo-libong katao.—Grachella Corazon, Eurotv News 

Share this