Manila, Philippines – Kinumpirma ni Public Works Secretary Vince Dizon na asahan ang pag-aresto sa mga sangkot sa maanomalyang flood control project sa mga susunod na araw.
Batay sa pahayag ni Dizon, isa si Former Congressman Zaldy Co, ang mag-asawang Discaya, at ilan pang official ng DPWH ang nasampahan na ng kaso.
Partikular ang mga kaso ng substandard at ghost flood control project sa Bulacan at Oriental Mindoro ay nasa korte na ng Sandiganbayan.
Binigyang diin ni Dizon, walang exempted sa imbestigasyon, maging ito man ay kaalyado o kamag-anak ng pangulo.
Kahapon, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pangalan ng 37 indibidwal na inirekomenda na sa office of the Ombudsman para kasuhan.
Ngunit hindi pa kasama sa listahan ang pinsan niyang si Former speaker Martin Romualdez.
Dahil tanging ang mga ebidensya mula sa senado lamang ang nagtuturo kay Romualdez.—Krizza Lopez, Eurotv News