HALAGA NG NAIPAABOT NA TULONG NG DOH SA CATANDUANES NA TINAMAAN NG BAGYO, UMABOT NG P1.7M

Manila, Philippines – Habang patuloy na bumabangon ang probinsya ng Catanduanes sa iniwang pinsala ng Bagyong Uwan.

Nagpapatuloy ang pag-alalay ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga naapektuhang pamilya at indibidwal. 

Isa sa mga nakatutok dito ang Department of Health (DOH) na tinitiyak ang kaligtasan ng mga biktima ng bagyo.

Sa pinakahuling ulat nga ng DOH, umabot na sa P1.7M ang halaga ng mga health commodities na kanilang naipaabot.

Kabilang sa mga ito ay ang mga hygiene kits, water containers, breastfeeding kits, water purification tablets, insecticide nets screens at mga gamot.

Bukod sa Catanduanes nakapagbigay din ang ahensya ng kaparehong mga health commodities sa Camarines Norte sa Bicol Region pa rin na isa sa mga tinamaan ng Bagyo. 

Ang mga pangangailangan na ito na ibinigay ng Kagawaran ay base na rin daw sa ginawang inspeksyon ng DOH–Bicol Center for Health Development, kasama ang Regional Disaster Risk Reduction and Response Cluster.

Samantala, bukod sa mga nabanggit kasalukuyan na ring nagtatayo ang DOH ng Water, Sanitation and Hygiene o WASH facilities.

Nakapagdeploy na rin ng karagdagan pang mga Health Facility Enhancement Program teams sa iba’t ibang lugar sa probinsya habang patuloy na pagbabantay ang mga ito sa kaso ng injuries, waterborne diseases, at iba pang health-related incidents.

Share this