PUBLIKO, BINALAAN SA MGA PEKENG INDEPENDENT TOWER COMPANIES

Manila, Philippines – Naglabas ng babala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa mga nagpapakilalang kinatawan umano ng “3rd Telecommunity Tower Provider” na nag-aalok na bumili ng lupa para pagtayuan ng cell tower.

Ayon sa DICT, nakatanggap sila ng impormasyon na may mga nagpapanggap na independent tower companies kahit hindi naman sila konektado o awtorisado ng pamahalaan. Kadalasan umanong humihingi ang mga ito ng personal o sensitibong impormasyon at nag-aalok ng mga kahina-hinalang transaksyon.

Pinaalalahanan ng DICT ang publiko na magdoble-ingat at huwag makipag-ugnayan sa sinumang kahina-hinala ang layunin. 

Pinayuhan din nitong i-check lamang ang opisyal na listahan ng rehistradong Independent Tower Companies sa kanilang website upang makatiyak sa legalidad ng kausap.

Share this