Manila, Philippines – Sa gitna ng paghingi ng publiko ng transparency at pananagutan sa isyu ng korapsyon, isinapubliko na ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng Presidente at ng Bise Presidente.
Batay sa inilathalang SALN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng grupong Akbayan.
Umabot sa P1.375 billion net worth ni Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta Marcos na may kalakip na appraisal mula sa isang private firm.
As of December 31, 2024, mayroong kabuuang ari-arian si Marcos na nagkakahalaga ng P389,357,463.14.
Noong 2023, P381.4 million pesos ang networth ng pangulo at 371.492 ang halaga ng networth niya noong 2023.
Samantala, umabot naman sa PHP 88,512,370.22 ang kabuuang halaga ng networth ni Vice President Sara Duterte.
Habang ang networth ng tatay nitong si dating pangulong Rodrigo Roa Duterte mula noong 2022 ay 37,305,462 pesos.
Matatandaan na sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, ipinagbawal ang pagsasapubliko ng SALN ng mga opisyal ng gobyerno.
At sa ilalim ng administrasyon ni Marcos, kung saan mainit ang isyu ng korapsyon sa ghost at substandard flood control projects, tinanggal ang restriction sa pag-access ng SALN.—Krizza Lopez, Eurotv News