Manila, Philippines – Sa kabila ng matagumpay na pagpapanagot kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo at pagbibigay ng sistensya na life imprisonment.
Ikinagulat naman ng mga senador ang paglaya ni Cassandra Li Ong, representative ng illegal na POGO sa Porac, Pampanga na Lucky South 99.
Batay sa budget plenary ng Department of Justice sa senado, isiniwalat ni Senator Win Gatchalian, na siyang sponsor ng DOJ budget na pinalaya si Cassandra Li Ong.
Paliwanag ni Gatchalian, nakadetain si Ong sa kamara matapos isyuhan ng contempt order.
Ngunit dahil aniya sa transition ng 19th at 20th Congress, pinalaya si Ong at hindi pa natutukoy kung saan ang kinaroroonan nito.
Noong mga panahon na pinalabas si Ong sa detensyon, wala pang kaso na nakasampa laban sa kanya.
At sa kasalukuyan, nahaharap si Ong sa kasong qualified human trafficking sa RTC Branch 157 sa Pasig.
Bunsod ng kasong nakasampa kay Ong, hinahanap na ng siya ng kapulisan at ipinapaberipika na sa Bureau of Immigration kung nakalabas na ng bansa si Ong.
Ngunit ang pinag-aalala ng senador, posibleng gamitin ni Ong ang naging ruta ni Guo noong tumakas palabas ng Pilipinas.
Bukod kay Ong, tuloy-tuloy ang kaso kay Harry Roque sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.
Nang tanungin ni Senator Risa Hontiveros kung mayroong naiisip na paraan ang DOJ para mapauwi sa Pilipinas ang dating presidential spokesperson.
Balak ng DOJ na kanselashin ang Philippine Passport ni Roque at makipag-ugnayan sa interpol sa pag-iisyu ng red notice.—Krizza Lopez, Eurotv News