6 NA MIYEMBRO NG CIDG SINIBAK MATAPOS UMANONG NAKAWIN ANG PERA NA NAKUHA SA KANILANG OPERASYON

Manila, Philippines – Tinanggal sa puwesto ang anim na opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) matapos umanong nakawin ang pera na nakuha sa isang operasyon sa Bataan noong Oktubre ng nakaraang taon. 

Ayon kay CIDG Director PMGen. Robert Morico nagsilbi nuon ng  arrest warrant ang CIDG para sa implementasyon ng RA 9208 o ang the anti trafficking in person sa isang kumpanya.

Nagresulta ito sa pagkakasamsam ng P141,133,000 na nagsilbing ebidensya sa operation at dinala ang mga ito sa pangangalaga ni PLTCOL. Arandiya na nagsilbing evidence custodial officer. 

Ang kaso raw inuwi nito ang pera at nang buksan na sa korte nwawala na ang P13,451 ay nawawala mula sa dating 141m pesos na pinalitan pa nu buddle money. 

Lumalabas raw sa imbestigasyon pinag hati hatian umano ng anim na pulis ang nawawalang pera bukod sa pagsibak, kinasuhan rin sila sa ilang paglabag kabilang na ang 

qualified theft, malversation of public funds  at iba pang kaukulang kaso.

Nasa floating status rin ngayon ang pulis na may ranggong PLTCOL. na syang naatasan sa evidence custodial para bantayan ang pera. 

Saka lang naman raw nalaman na may nawawala sa pera nang ipag utos ng korte na bilangin kung tama bang may 143 millon pesos sa loob ng mga boxes na inuwi nuon ng opisyal na Arandiya.

Nilinaw rin ng CIDG na sa criminal case ay anim ang kinasuhan na ngayo’y nasa restrictive custody ng PNP at sa administrative case ay pito kung saan kabilang na rito si arandiya. 

Kinikilala naman ng National Police Commission (NAPOLCOM) at pinuri ang patuloy na pagsisikap ng PNP para masugpo at masawata ang mga police scalawag sa loob ng organisasyon. 

Muling iginiit ng NAPOLCOM na sa ganitong paraan ay unti unting itinataas ang morale ng PNP personnel sa kabila ng mga kinasasangkutan ng ilan nilang kabaro. 

Share this