Manila, Philippines – Naglabas ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng panibagong guidelines para palakasin ang kahandaan ng mga lugar-trabaho sa harap ng iba’t ibang uri ng sakuna at emergency.
Sa ilalim ng Labor Advisory No. 15, Series of 2025, inaatasan ang mga employer na ipatupad ang komprehensibong safety program na sasaklaw sa maagang pagpaplano, malinaw na evacuation protocols, epektibong communication systems, at pagbibigay ng sapat na protective equipment sa mga manggagawa.
Layon ng panuntunan na matiyak ang kaligtasan ng mga empleyado sa harap ng mga disruptive event gaya ng kalamidad, industrial accidents, at public health emergencies na nagdudulot ng panganib sa kalusugan at seguridad ng mga manggagawa.
Kabilang din sa mga probisyon ang pagsuspinde ng trabaho kapag may agarang panganib, pagpapatupad ng flexible work arrangements, at pagtatalaga ng minimum personnel para sa mga kritikal na serbisyo.
Binigyang-diin ng DOLE na hindi maaaring parusahan ang mga manggagawang tumangging pumasok kung may banta ng kalamidad, bilang bahagi ng kanilang karapatang masiguro ang sariling kaligtasan.