Manila, Philippines – Nagbitiw bilang Commissioner ng Independent Commission for Infrastructure si dating DPWH secretary Rogelio ‘Babes’ Singson, ngayong araw ng Martes.
Ilang buwan matapos tutukan ng ICI ang issue ng korapsyon sa mga flood control projects.
Ayon kay Singson, nagbitiw siya sa kanyang posisyon dahil sa bigat at nakakastress na trabaho sa ICI, na nagkaroon umano ng epekto sa kasalukuyng kondisyon ng katawan niya.
Epektibo ang resignation ni Singson sa December 15.
Ang dating opisyal ng DPWH ang ikalawang opisyal na nagresign sa ICI, pagkaraan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagsilbi bilang ICI Special advisor noong Setyembre.—Krizza Lopez, Eurotv News