DOTR AT DPWH TITIYAKING MAY LIGTAS NA SIDEWALK AT BIKE LANES ANG MGA KOMYUTER SA EDSA 

Manila, Philippines – Sisikapin ngayon ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) na magkaroon  ng mga sidewalk sa kahabaan ng EDSA na ligtas malalakaran ng mga komyuters. 

Ayon kay Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez, alinsunod ang hakbang na ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakanilang ahensya na gawing walkable, pedestrian friendly at commuters friendly ang EDSA.

Lalong lalo na raw sa mga vulnerable sectors gaya ng mga persons with disanbilities, mga nakatatanda at pregnant women.

Uumpishan daw muna sa ngayon ng dalawang ahensya na palawakin ang mga pedestrian lane at pagapapailaw sa ilang madilim na bahagi ng kalsada. 

Isasaayos rin daw nila ang shared bike lane na kadalasang pinaghahatian ng mga motorista at mga nagbibiskleta, kung saan maglalagay din daw ang DOTr ng mga bicycle ramp. 

Magtatayo rin daw sila ng repair stops, waiting shed ng mga mananakay at pag-aalis sa mga nakaharang na bagay sa daraanan ng mga komyuters.

Samantala, kabilang din sa pinaplano ng DPWH na gawing shared sidewalk bike lane ang ilang kalsada sa Edsa na sa tingin nila ay mas ligtas sa mga commuters.

Bilang bahagi ng sanib pwersang hakbang ng DOTr at DPWH upang mas mabilis na maaksyunan ang suliranin ng mga komyuter na matagal na raw inirereklamo sakanila.

Pinangunahan ni Transportation Secretary Lopez at DPWH Secretary Vince Dizon ang pag-iinspeksyon sa Edsa mula Ayala sa Makati patungong Roxas Blvd. sa Pasay.

Kasama nilang umikot ang miyembro ng Altmobility PH, Move as One Coaltion, at ibang civil society organizations.

Share this