Manila, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Office ang lisensya ng driver na nanakit sa isang lalaki na nagkakariton, kasama ang kanyang menor de edad na anak.
Mariing kinondena ito ni LTO Asec. Markus V. Lacanilao.
Sa kumalat na video sa social media, makikita ang ang ginawang paghampas ng driver sa ulo ng nagkakariton sa harap ng anak nito na umiiyak.
Bunsod nito, pinagpapaliwanag at pinahaharap ni Asec. Lacanilao ang driver ng Toyota Hilux, kasabay ng pagpataw nitong 90 day suspension sa drivers license nito.
Nakasaad sa SCO na kailangang notaryo ang isusumiteng paliwanag ng driver, kung bakit hindi dapat suspindihin o i-revoke ang lisensya.
Ang ginawa ng lalaki ay paglabag sa Improper person to operate a motor vehicle.
Nagbabala si Asec. Lacanilao na posibleng tuluyang ma-revoke ang lisensya ng drayber at ang hindi pagdalo sa itinakdang hearing ng LTO-IID ay nangangahulugan ng pagbalewala sa karapatang madinig ang panig ng drayber at nagmamay-ari ng sasakyan.—Krizza Lopez, Eurotv News