Manila, Philippines – Handa na ang Philippine Ports Authority (PPA) sa dagsa ng mga Pilipinong babyahe ngayong holiday season sa mga pantalan.
Ayon kay Gen. Manager Jay Daniel Santiago, ito ang unang araw na inaasahan ng PPA na dadagsa ang mga pasahero hanggang January 5, 2026.
Batay sa pagtataya ng PPA, maaaring umabot hanggang 250 thousand hanggang 350 thousand ang pasahero ang maseserbisyuhan kada araw.
Kasabay ng kahandaan ng mga pantalan sa pagdagsa ng mga tao na babyahe, nananawagan din si General Manager Santiago sa mga operator ng shipping line na magdeploy na ng sapat na bilang ng barko.
Nang sa gayon ay matugunan ang pangangailangan sa transportasyon.
Gayundin, inabisuhan ng PPA ang publiko na planuhin sa lalong madaling panahon ang kanilang pagbyahe, nang maiwasan ang aberya.
Para matiyak ang seguridad ng mga pasahero, nag deploy ang tanggapan ng tatlong libong security personnel mula sa Philippine Coast Guard at PNP-Maritime na magbabantay sa mga pantalan.
Pahayag ni Santiago, sa panahon ng pagdagsa ng mga byahero, hindi maaaring lumiban o magfile ng leave ang mga security personnel na magbabantaya sa mga port nationwide.
Tiniyak din ng PPA na silang mag-accomodate ng mga pasahero na ma-i-istranded sa pantalan, sakaling magkaroon ng bagyo sa loob ng bansa.
Mayroon ding naka-stand by na mga food packs mula sa department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga maaantala ang byahe.—Krizza Lopez, Eurotv News