ILANG MATATAAS NA OPISYALES SA KAMARA, MALAKI ANG HALAGA NG INSERTION SA 2026 BUDGET — PCIJ 

Manila, Philippines – Hindi pa man nawawakasan ang issue ng insertion na nagresulta sa kwestyonableng flood control projects. 

Isang pag-aaral ang inilabas ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na nagsasabing ilang matataas na mambabatas sa kamara ang nakapagsingit ng malaking pondo sa 2026 national budget.

Ayon sa PCIJ, sa ilalim ng liderato ni House speaker at Isabela rep. Faustino ‘Bojie’ Dy, ang bagong speaker ang recipient ng pinakamalaking halaga ng insertion sa 2026 23 billion DPWH budget. 

Sumunod ang bagong House Appropriation Chair na si Nueva Ecija Rep. Mikaela Suansing, at kapatid nitong si Sultan Kudarat Rep. Bella Suansing. 

Noong dininig ang pondo ng DPWH, mayroong 1.1 bilyong alokasyon ang distrito ng ni Dy, ngunit ng ipasa ng kamara ang pondo ng ahensya, halos triple ang itinaas ng alokasyon na 3.8 billion pesos.

Habang kay Suansing, 1.6 billion pesos ang inilaan ng DPWH sa distrito, ngunit nadagdag pa ito ng 3.4 billion pesos. 

Gayundin ang kapatid nitong si Bella Suansing na nilaanan ng 3.9 billion pesos matapos makapagsingit ng 1.6 billion pesos. 

Sa kabila ng pagbibitiw sa pagka-Speaker at ang mga akusasyon ng pagtanggap ng bilyon-bilyong pisong kickback, ang distrito ng pinsan ng pangulo na si Leyte Rep. Ferdinand “Martin” Romualdez ang nakakuha ng pinakamalaking bahagi—P6 bilyon mula sa P500 bilyong “allocable” at “non-allocable” na pondo ng DPWH.

Ang halagang ito ay nabawasan na mula sa orihinal na P9.9 bilyon na ipinanukala ng DPWH para sa distrito ni Romualdez.

Kahapon, itinigil ang pagdinig ng pondo ng DPWH sa Bicam dahil sa umano’y deadlock na hiling  sa dagdag na pondo para sa sampung libong proyekto ng DPWH na maaaring maapektuhan dahil malaking kaltas na pondo.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this