INFLATION RATE NG PILIPINAS NOONG DECEMBER, BAHAGYANG BUMILIS SA 1.8% — PSA

Manila, Philippines – Bahagyang bumilis ang antas ng inflation rate noong December 2025 sa 1.8% mula sa 1.5% noong Nobyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). 

Unang nakitang dahilan ng pag-usad ng inflation ang mabilis na pagtaas sa presyo ng food and non-alcoholic beverages na may 97.5% share sa pagbilis ng inflation. 

Partikular na nakitaan sa pagtaas ng presyo ang bigas at ang talong, isda partikular ang bangus, sibuyas at karne. 

Nakapag-ambag din sa inflation ang bayad sa renta, kuryente, at supply ng tubig. 

Gayundin ang mga restaurants, cafe, at iba pang accommodation services.

Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis MapA, seasonal lamang ang pagbilis ng antas ng inflation dahil sa holiday season. 

Nabanggit din niya na may epekto rin ang mga nagdaang sama ng panahon noong nobyembre. 

Batay sa Bangko Sentral ng Pilipinas, posibleng mas mataas ang maging inflation rate ngayong 2026 dala ng base effect.

Samantala, bahagya rin bumilis ang inflation rate sa National Capital Region sa 2.4% mula sa 2.3% noong Nobyembre.

Unang dahilan dito ang bayad sa kuryente, karne partikular na ang manok, galunggong, at prutas partikular na ang presyo ng mangga.

Gayundin, nakapag-ambaga ng presyo ng diesel, gasolina, at pamasahe sa barko. 

Sa labas ng NCR, mas pansin ang pagtaas ng presyo ng mga gulay dahil sa mga bagyo, dahil na rin sa presyo ng bigas at talong. 

Central Visayas ang rehiyon na nakapagtala ng pinakamataas na inflation habang rehiyon ng BARMM ang pinakamababa.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this