Ngayong Biyernes, January 9 ginuginita ang taunang Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno ng mga debotong Katoliko sa bawat sulok ng bansa. Narito ang mga updates sa kasulukuyang mga pangyayari:
Nagbigay ng mensahe ng pakikiisa si Pangulong Bongbong Marcos sa mga Pilipinong Katolikong nakikibahagi sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno, ngayong Biyernes, Jan. 9.
READ HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BrjFUk9gJ
Dakong 4:00 AM – Nagsimula nang magparada ang Andas ng Poong Hesus Nazareno.
5:05 AM – Kasalukuyang nasa Padre Burgos Avenue, papuntang Finance Road, ang andas ng Poong Jesus Nazareno, ayon sa Manila PIO.
5:46 AM – Umabot na sa 95,000 ang crowd estimate sa Traslacion 2026 habang patuloy na gumagalaw ang andas ng Poong Hesus Nazareno sa Padre Burgos, ayon sa Manila DRRM Office.
6:00 AM – Andas ng Poong Hesus Nazareno kasalukuyang nasa Finance Road.
7:40 AM – Nakatawid na ng Taft Avenue at nasa Ayala Boulevard, sa Philippine Normal University na ang Andas ng Poong Hesus Nazareno
8:00 AM – Pag-andar ng andas ng Poong Jesus Nazareno sa Ayala, umaabot na sa 210,00 ang deboto.
9:10 AM – Ikalawang Pangulo Sara Duterte, nagpaabot din ng mensahe sa nagaganap na Kapistahan ngayon.
CHECK HERE: https://www.facebook.com/share/v/19rdT2h3XC/
9:30 AM – Umabot na sa 220,000 ang crowd estimate sa Ayala corner Romualdez kung saan tanaw na ang andas ng Poong Hesus Nazareno, ayon sa Manila DRRM Office.
10:30 AM – Mga nakikiisa sa Traslacion 2026, umabot na sa higit 223,700, ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) – Innovation Integrated GIS and Data Hub.
11:00 AM – Nasa Ayala Bridge na ang andas ng Poong Hesus Nazareno.
(This is a developing story.)