Manila, Philippines – Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Project AGAP.AI o Accelerating Governance and Adaptive Pedagogy through Artificial Intelligence sa Quezon City Science High School (QCSHS).
Layunin ng Project AGAP.AI na gamitin ang makabagong teknolohiya, partikular ang artificial intelligence, upang higit pang mapaunlad ang critical thinking, creativity, at problem-solving skills ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan.
Bahagi ito ng mas malawak na hakbang ng DepEd upang mapahusay ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng inobasyon at makabagong pamamaraan ng pagtuturo.
Ayon sa DepEd, ang proyekto ay nakatuon sa pagpapalakas ng pamamahala sa edukasyon at pag-angkop ng pedagogiya sa pangangailangan ng mga mag-aaral, habang isinasaalang-alang ang etikal na paggamit ng teknolohiya.
Ang paglulunsad ng AGAP.AI ay sumasalamin sa adhikain ng administrasyong Marcos Jr. na isulong ang isang edukasyong makabago, inklusibo, at naka-sentro sa bawat Pilipinong mag-aaral, bilang paghahanda sa mga hamon ng makabagong panahon.
Ininspeksyon din ng pangulo ang nasunog na bahagi ng paaralan na kasalukuyang ginagawa at maaaring matapos sa June 2026.