EDSA BUSWAY NAGTALA NG PAGTAAS NG RIDERSHIP SA 2025

Manila, Philippines – Naitala ang mataas na bilang ng sakay sa taong 2025 dahil sa mas maayos at maaasahang biyahe sa kahabaan ng EDSA.

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang mga pagpapabuti sa EDSA Busway corridor upang masiguro ang mas ligtas, accessible, at maginhawang karanasan sa paglalakbay ng mga commuter.

Ayon sa datos ng DOTr, umabot sa 66,669,287 ang bilang ng pasahero ng EDSA Busway sa 2025, mas mataas kumpara sa 63,022,953 noong 2024. 

Itinala rin ang record monthly ridership na 6,530,415 noong Disyembre 2025, habang ang pinakamataas na bilang ng sakay sa isang araw ay 321,186 na naitala noong Abril 2025.

Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni Lopez na ipagpapatuloy ng DOTr ang modernisasyon ng EDSA Busway para sa kapakinabangan ng mga commuter.

Mula nang ilunsad noong Hunyo 2020, ang EDSA Busway Project ay nakapagsilbi na sa kabuuang 341,307,843 pasahero.

Share this