DA, PLANONG MAGTAYO NG DEEP WATER PORT SA ABRA DE ILOG PARA PABILISIN ANG TRANSPORTASYON NG AGRI-PRODUCTS 

Manila, Philippines – Sa planong mas mapadali ang transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura na manggagaling sa Mindoro papunta sa Southern Luzon areas, Metro Manila at karatig na mga rehiyon. 

Inihahanda na ng Department of Agriculture (DA) at iba pang kinauukulang mga ahensya ang pagtatayo ng Deepwater port sa Abra De Ilog sa Occidental Mindoro.

Sinimulan yan sa pag-iinspeksyon ng DA, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Ports Authority (PPA) sa Abra De Ilog.

Popondohan ang konstruksyon nito ng higit sa P2B na pangangasiwaan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA).

Ididisenyo ang pantalan na ipatatayo bilang daungan ng malalaking cargo at container ships na makakatulong din para mabawasan ang transshipment o paglilipat lipat ng mga kargamento sa maliliit na barko at pagpapabalik balik ng mga ito.

Sa pamamagitan ng maipatatayong pantalan, mababawasan ang logistics, transports cost at iba pang gastusin sa delivery ng mga agri products.

Samantala ang Deep water port sa Abra De Ilog ay isa lang sa 10 pantalan na plano ring ipatayo upang mapalago pa lalo ang ekonomiya ng bansa pagdating sa agrikultura, alinsunod din daw ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marco Jr.

Bahagi naman ng Port ang pagkakaroon din ng finger pier, modern fosh market, cold storage facility, ice plant, warehouses, wastewater treatment facilities, solar power systems, at reefer vans.

Inaasahan naman na aabutin ng 24 na buwan ang konstruksyon ng Port sa Abra De Ilog sandalling simulan ito.

Share this