SARA DISCAYA, NAGHAIN NG ‘NOT GUILTY’ LABAN SA GRAFT AT MALVERSATION CASE NIYA

Manila, Philippines – ‘NOT GUILTY.’ 

Ito ang inihaing plea ng government contractor na si Sarah Discaya laban sa graft at malversation case niya na may kinalaman sa ghost flood control project sa Davao Occidental. 

Ngayong araw ng Martes sumalang si Discaya sa kanyang arraignment sa Regional Trial Court Branch 27 sa Lapu-Lapu city. 

Kasama ni Discaya sa kanyang arraignment si Maria Roma Rimando, ang presidente ng St. Timothy Construction na pagmamay-ari ng contractor at ng walo pang opisyal ng Department of Public Works and Highways.

Ang kasong kinakaharap ni Discaya at ng siyam pang indibidwal ay may kinalaman sa paggamit ng maling pondo ng taumbayan sa kabila ng bigong pagpapatupad ng flood control project. 

Tinatayang nasa 96.5 million pesos ang halaga ng pondo na nakuha.

Dahil dito ay inakusahan sila ng pagsasabwatan na aprubahan ang pondo hanggang sa pagrelease ng pera. 

Bukod kay Discaya, not guilty rin ang inihain na plea ng siyam pang akusado.

Magsisimula ang pre-trial nina Discaya sa February 3. 

Kahapon, ibinalita ni DPWH Secretary Vince Dizon na sisimulan ang paglilitis kay dating Congressman Zaldy Co ngayong January sa Sandiganbayan. 

Ito’y sa kabila pa pagtatago ni Co sa ibang bansa. 

Ayon pa kay Secretray Dizon, tatayo siya bilang testido sa lahat ng kasong isinampa niya sa sandiganbayan.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this