Manila, Philippines – Matapos ang opisyal na anunsyo sa pagbabalik ng Netflix Thailand hit series na Girl from Nowhere: The Reset at ang bagong gaganap sa karakter ni Nanno na si Thai actress Becky Armstrong.
Ipinasilip na rin sa publiko ang ilang litrato ni Becky na kuha sa ilang eksena nito.
Simula nang mapapanood sa March 7 ang bagong series nito na bagamat magiging bago muli sa mata ng mga manonood dahil bagong gaganap.
Tiyak naman na aabangan pa rin ang mga eksena ni Nanno sa bawat eskwelahan na kaniyang pupuntahan at mga estudyanteng makakasalauha.
Isa rin sa mga inaabangan ang Nanno’s signature gesture.
Matatandaan na unang ipinalabas ang unang season ng Girl From Nowhere noong August 8, 2018 sa GMM 25 at nasundan ng released nito globally sa Netflix noong May 7, 2021 na naging number 1 show pa nga sa Thailand at Pilipinas.
Unang gumanap sa karakter na nanno bago si Becky Armstrong ay si Chicha Kitty Amatayakul.