REP. LEVISTE, KINASUHAN NG KASONG LIBEL SI USEC. CASTRO 

Manila, Philippines – Sinampahan ni Batangas Rep. Leandro Leviste ng kasong cyber libel si Palace Press officer at Undersecretary Claire Castro dahil sa pahayag nito kaugnay sa pagbebenta ng mambabatas ng kaniyang kumpanya habang di pa naaprubahan ng kongreso.

Kasama ni Rep. Leviste ang kanyang abogado na si Ferdinand Topacio sa paghahain ng reklamo sa Balayan Regional Trial Court.

Nag-ugat ang kaso na ito nang magbigay si Usec. Castro ng pahayag sa kanyang mga vlogs na ang sentro ay si Leviste. 

Isa sa pinasungalingan ni Leviste ang pagbebenta umano niya ng kanyang kumpanya na Solar Philippines Power Project Holding Inc. na hiningan umano ng 24 billion pesos na multa ng Department of Energy dahil sa bigong maisakatuparan ang kontrata sa gobyerno. 

Paliwanag niya, hindi niya binenta ang naturang kumpanya dahil mayroon itong prangkisa. 

Ayon kay Leviste, hindi niya kagustuhan na masaktan si Usec. Castro, ngunit nais lamang niyang depensahan at linisin ang kanyang pangalan.

Nilinaw pa ni Leviste na hindi siya kalaban ng administrasyon at tanging si Castro lamang ang may kaso.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this