DILG PLANONG ILIPAT SA PERMANENTENG TIRAHAN ANG MGA RESIDENTENG NAKATIRA MALAPIT SA BULKANG MAYON 

Manila, Philippines – Habang nananatili pa rin sa alert level 3 ang Bulkang Mayon at patuloy na pag-aalburoto nito, kabilang an naitatala pa ring pag-agos ng pyroclastic at rockfall sa bulkan.

Dahilan ng pananatili pa rin pansamantala a mga evacuation center ang mga apektadong residente.

Pinagpa-planuhan na ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na permanente nang ilipat ng tirahan ang mga pamilyang nakatira malapit sa danger zone o sa bulkan.

Ayon sa DILG, bagamat pinapahintulutan niulang makabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residente sa Albay tuwing kalmado na ang bulkan, long term safety measures pa rin daw na ang kanilang ikinokonsidera, sa halip na paulit ulit na lamang lumilikas ang mga residente tuwing mag-aalburoto ang Mayon.

Nakatakda na raw bumisita ang ahensya sa Albay para inspeksyunin ang gagawin nilang relocation sites.

Aabot raw sa mahigit isang libong pamilya ang natukoy nilang nakatira sa danger zone na kinakailangan na mailipat ng tirahan.

Samantala, nagpapatuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DILG sa lokal na pamahalaan para sa kahandaan at kaligtasan ng komunidad habang isinasagawa ng pangmatagalang solusyon. 

Share this