DA-FPA PAIIGTINGIN ANG “OPLAN BISTADOS” LABAN SA ILEGAL NA ONLINE SELLERS NG AGRICULTURAL INPUTS 

Manila, Philippines – Mas pinagtitibay ngayon ng Department of Agriculture-Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) ang paghuli sa mga illegal online seller ng agricultural inputs.

Kasunod ito ng pagkakahuli sa operasyon ng ilang establisyemento sa Mindanao Avenue, Cubao, at Quezon City Circle, matapos mapatunayang ang mga ito ay ilegal at hindi rehistrado.

Kung saan umabot sa P175,000 ang halaga ng mga produktong nakumpiska sa kanila.

Ayon sa FPA, alinsunod ang mas pinaigting na kampanya sa ‘Oplan Bistados’ o ang Bantay Istrikto sa Teknolohiyang Abono at Pestisidyo sa Online Selling na nagsasagawa ng imbestigasyon, ilang linggong cyber monitoring at verification katuwang ang Cybersecurity Investigation and Coordinating Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Philippine National Police (PNP).

Sa paraang din ito mas matitiyak na may tamang label at ligtas na mga abono at pesticide ang mabibili ng publiko.

Layon din nitong maprotektahan ang mga magsasaka at mamimili.

Nagpaalala naman ang FPA sa publiko na maaaring masuri sakanilang website kung peke, substandard, mapanganib at nakakapaminsala sa mga pananim at kapaligiran ang agri inputs na kanilang bibilhin.

Nagbabala naman ang FPA sa mga ilegal online seller, distributor at dealers na may mabigat na parusa ang ilegal nilang pagbebenta sa publiko.

Kaugnay pa rin dito naglabas ang ahensya ng advisory na wala silang iniisyung lisensya o permit sa mga nagbebenta online ng fertilizer at pesticide sa iba’t ibang mga platfrom.

Aprubado lamang daw nila ang mga may physical store o over the counter sales. 

Share this