PBBM, NANAWAGAN NG PAGKAKAISA AT KAPAYAPAAN SA BARMM SA DARATING NA PARLIAMENTARY ELECTION 

Manila, Philippines – Pagkakaisa at kapayapaan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga taga Bangsamoro region sa darating na kauna-unahang BARMM Parliamentary Election na nakatakdang idaos ngayong taon.

Ang panawagan ng Pangulo ay kasabay ng personal nitong pagbisita sa BARMM at pagdalo sa tatlong araw na pagdiriwang ng rehiyon para sa kanilang 7th Founding Anniversary na ginanap sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex (SKCC) sa Cotabato City.

Ayon sa Pangulo ang nakatakdang eleksyon ay isang pagkakataon para marinig ang boses ng bawat isa na makapili at makaboto ng ninanais nilang lider na mamumuno at magtataguyod sakanilang mga pangangailangan sa rehiyon at hindi ang lider na magdudulot ng kanilang pagkakawatak watak.

Kasabay din ng mensaheng ito ang pagtitiyak ni Pangulong Marcos na handa ang National Government na tumulong at umalalay sa pagsasagawa ng eleksyon sa BARMM.

Bilang panghuli, nanawagan si Marcos sa mga mahahalal na lider sa BARMM sandalling matapos na ang eleksyon na gampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin ng may pananagutan, integridad at laging isinasaalang alang ang mga taga BARMM alinsunod sa totoong pangangailangan ng rehiyon.

Samantala, matatandaan na ang March 30, 2026 na itinakda ng Commission on Election (COMELEC) para sa halalan sa BARMM ay hindi pa pinal matapos ipahayag ng komisyon na baka hindi na ito kayanin dahil sa kinakailangang mga preperasyon.

Ang inihaing panukala noon ni Senator Migz Zubiri ay naka pending sa committee level.

Ngayon, naghain naman si Lanao Del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong ng House Bill 7236 na magtatakda naman a BARMM Parliamentary Elction sa September 28, 2026.

Share this