MORATORIUM SA RECLASSIFICATION NG MGA LUPANG SAKAHAN, INILABAS NG DA 

Manila, Philippines – Ipinatitigil muna pansamantala ng Department of Agriculture ang reclassification ng lahat ng mga bagong lupang sakahan na ginagamit para pagtayuan ng iba’t ibang imprastraktura, gaya ng mga tulay, kalsada, gusali at iba pa.

Sa bisa ng moratorium na inilabas ng Kagawaran, hanggang June ngayong taon epektibo ang kautusan, ibig sabihin ipahihinto muna ang pagtanggap, pag-apruba at pagproseso ng mga permit o application para sa Land-Use Reclassification Certification (LUR) o pagdevelop ng isang lupain.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. pag-aaralan muna nila ang zoning regulation at ilang mga polisiya sa pagbibigay ng LUR habang umiiral ang moratorium kasabay na rin ng pagprotekta sa farmland ng mga magsasaka gayundin sa food security.

Binigyang diin ng ahensya na kasabay ng lumalaking demand sa urban expansion gamit ang mga lupaing sakahan  ang mas mahigipt din dapat nilang pangangasiwa sa pagpreserba ng mga lupa Lalo na ang tinatamnan ng bigas at mais.

Kabilang raw sa babalangkasin nila sa polisiya ang masusing pagbusisi sa mga lupain.

Isa rin sa mga tinitingnan nilang epekto ng patuloy na reclassification ay ang pagkawala ng mga lupang pagtatamnan na posible raw magresulta ng pag-aangkat na lamang mula sa ibang bansa sa halip na makamit ng Pilipinas ang self-sufficiency. 

Sa ngayon ilang mambabatas na ang nagsusulong ng batas na maghihigpit sa conversion ng mga lupang sakahan. 

Share this