1M BATANG EDAD 6-59 BUWAN SA MINDANAO, NABAKUNAHAN NA KONTRA TIGDAS 

Manila, Philippines – Matapos masimulan ng Department of Health (DOH) ang bakunahan kontra Tigdas sa Mindanao bilang bahagi ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity na target ang nasa 95%  fully immunized rate sa Pilipinas kabilang ang 11 milyong mga batang hindi pa bakunado.

Iniulat ng ahensya na sa isang linggo nilang aktibidad sa Mindanao higit isang milyong bata edad anim na buwan hanggang magli-limang taon ang nabakunahan na nila kontra tigdas.

Pinakamarami sa mga batang bakunado na ay nasa Northern Mindanao, sinundan ng Zamboanga Peninsula, Davao Region, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), SOCCSKSARGEN, at CARAGA Region.  

Ang bakunahan sa Mindanao ay Phase 1 pa lamang ng programa ng DOH.

Tatagal ito hanggang February 13 habang sa Visayas at Luzon magsisismula ang bakunahan sa June 2026 kung saan tinatayang nasa pitong milyon ang target na mabakunahan.

Pagtitiyak pa rin ng Health Department na epektibo at ligtas ang kanilang mga bakuna na itinuturok.

Share this