IMPEACHMENT CASE VS PBBM, LUMALABAS NA ISANG PANINIRA SA ADMINISTRASYON — PALASYO

Manila, Philippines – Una pa lang, ipinahayag na ng palasyo ang kahandaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na harapin ang reklamong impeachment laban sa kanya. 

Kahapon, muling isinumite noong Lunes ng Alyansang makabayan na inendorso ng Makabayan Bloc sa kamara ang kanilang impeachment complaint laban sa pangulo. 

Ngunit ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Atty. Claire Castro na lumalabas din na isang pag-atake ito laban sa administrasyon. 

Paliwanag ng opisyal, hindi lamang pangulo ang posibleng maapektuhan sa reklamong impeachment, kundi maging ang ekonomiya at ang bansa. 

Sagot naman ng makabayan bloc — na naghain ng ikalawang impeachment complaint laban kay Marcos, mainam  anila na harapin ng Malacañang ang alegasyon: “Mas mainam para sa Malacanang na harapin ang mga alegasyon sa halip na kung ano anong diversion ang ginagawa.”

Iginiit din nila na ang tunay na nakakasira ng ekonomiya ay ang talamak na korapsyon. 

“Ang totoong masama sa ekonomiya ay ang korapsyon. Ang totoong nakakagalit sa tao ay ang kawalan ng pananagutan,” anila.

Binigyang diin nila na ang impeachment ay isang proseso sa paghingi ng pananagutan na dapat bigyang daan at hindi harangan.

“Ang impeachment naman ay paraan ng pananagutan na dapat bigyang daan hindi harangan,” giit ng Makabayan.

Sa kabila ng reklamo, tiniyak ni Usec. Castro na magtutuloy ang pangulo sa pagtatrabaho at pagbibigay ng serbisyo sa taumbayan. 

kung sa gitna ng proseso humiling ang kongreso ng kaukulang dokumento para sa imbestigasyon, igagalang at susunod ang pangulo rito. 

Dalawang impeachment complaint na ang nakahain laban sa pangulo sa kamara. 

Kung saan ang dalawang reklamo ay nasa Order of Business na ng kupulungan. 

Ang mga reklamong ito ay nag-ugat sa sistematikong korapsyon sa loob ng Department of Public Works and Highways kaugnay sa mga palyado at ghost flood control project. 

Una at pangalawang complaint, kinakasuhan ang pangulo ng graft, betrayal of public trust, at paglabas sa constitution.—Krizza Lopez, Eurotv News

Share this